LOOK: Bagong Buendia Footbridge bukas na sa publiko

LOOK: Bagong Buendia Footbridge bukas na sa publiko

Binuksan na sa publiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong footbridge sa EDSA Buendia Southbound.

Magagamit ito ng publiko para sa ligtas na access patungo sa bagong new loading/unloading bay ng EDSA bus carousel.

Buendia is one of the busiest intersections in terms of pedestrian traffic and having this overpass for them to use will make their trips easy, secured, and safe.
MMDA Chairman Benjamin Abalos

Ang pedestrian footbridge ay kukunekta sa MRT pedestrian overpass crossing EDSA Southbound na magagamit ng mga patungo sa Makati Central Business District at vice versa, gayundi ng mga patungo at galing sa Bonifacio Global City.

Ito na ang ika-125 na footbridge na naitayo ng MMDA sa Metro Manila.

Nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng footbridges sa Tramo, Taft, at Roxas Boulevard para din sa EDSA Bus Carousel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *