DOH hinikayat ang publiko na magsagawa na lang ng virtual o online caroling
Walang partikular na guidelines sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 2 na nagsasabing bawal pa ang pagsasagawa ng caroling ngayong holiday season.
Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, hinihikayat nila ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng specific guidelines tungkol dito base sa kani-kanilang local settings.
Paalala ng DOH, sa ilalim ng 3Cs framework, mayroong banta o panganib ng COVID-19 tranmission sa mga voice-related activities gaya ng pagkanta.
Ito ay lalo na kung isinasagawa ang pagkanta sa mga matataong lugar o closed settings.
Maari namang mabawasan ang panganib ng hawaan kung ang voice-related activities ay isasagawa outdoors o sa labas ng bahay nang mayroong tamang pagsunod sa physical distancing, hindi masyadong matao at walang sangkot na vulnerable o senior citizens.
Ayon sa DOH, maari din naming gawing opsyon ng publiko ang pagsasagawa na lamang ng virtual o online caroling. (DDC)