33 huli sa illegal na pangingisda sa Cavite
Nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang pitong motorbanca na ginagamit sa illegal fishing operations sa Cavite City.
Lulan ng mga bangka ang 33 mangingisda na galing ng Tangos, Navotas City.
Ayon sa PCG nilabag ng mga mangingisda ang Cavite City Ordinance No. 06 – 3149 Section 2 na nagbabawal sa pagsasagawa ng Trawl and Fine Mesh Net Fishing sa katubigan na sakop ng lungsod.
Dinala sa impounding areas sa Barangay 49-M Akasya, Cavite City ang mga motorbanca.
Gagamitin ang mga ito bilang ebidensya para sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga mangingisda. (DDC)