BBM nanguna sa survey ng dalawang pahayagan
Nanguna sa magkahiwalay na survey ng dalawang pahayagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isinagawang survey ng Manila Times noong October 26 hanggang November 2, tinanong ang mga respondent kung sino ang iboboto nilang presidente kung ang halalan ay gagawin sa araw na idinaos ang survey.
68 percent ng mga respondent ang nagsabing si Marcos ang kanilang iboboto.
Sumunod kay Marcos si Vice President Leni Robredo (10.8%), Manila Mayor Isko Moreno (7.9%), Senator Manny Pacquiao (7.2%), Senator Ping Lacson (2.5%), at Senator Bato Dela Rosa (1.5%).
Nanguna si Marcos sa Luzon (60.8), Visayas (64.4%) at sa Visayas (78.8).
Samantala, nagsagawa din ng hiwalay na survey ang pahayagang Manila Bulletin.
Sa presidential survey ng Manila Bulletin, ang mga netizen ay tumugon sa pamamagitan ng paggamit ng emoticon sa kung sinong kandidato ang kanilang iboboto.
Sa 1.1 million na netizens na tumugon sa survey, mahigit 689,000 ang nagsabing si Marcos ang kanilang iboboto.
Si Robredo ay nakakuha ng 224,000 na reactions; si Moreno ay 211,000 reactions; si Dela Rosa ay 4,400; si Pacquiao ay 2,800 at si Lacson ay 2,300.