DepEd teachers at personnel handa na sa 2022 national and local elections

DepEd teachers at personnel handa na sa 2022 national and local elections

Handa na ang mga guro at personnel ng Department of Education (DepEd) para manilbihan sa May 2022 national and local elections.

Ayon sa DepEd, sa pamamagitan ng kanilang Learning Management System (LMS), natanggap na nila ang 65% ng personnel applications para sa Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) digital signatures.

Ang PNPKI digital signature ay bagong requirement ng Commission on Elections para sa mga public school teachers na magsisilbi bilang Electoral Board Members.

Hanggang noong October 29, mahigit 658,000 personnel at teachers na ang nakapagsumite ng kanilang aplikasyon para sa PNPKI.

Sa nasabing bilang, 83% na ang na-validadte ng HR Units para maisumite sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nagpasalamat naman si Education Secretary Leonor Magtolis Briones sa DICT sa tulong nito upang mapabilis ang PNPKI application. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *