Mga pribadong HMO hindi dapat nagdedeklara na “full capacity” na ang isang ospital
Walang kapangyarihan ang mga pribadong HMO companies na magdeklara ng kapasidad ng mga ospital.
Ito ang inilahad ng Department of Health (DOH) matapos makatanggap ng mga ulat na may mga HMO ang nagdedeklara na “full capacity” na ang mga pagamutan kaya hindi na makatatanggap ng pasyente.
Sinabi ng DOH na walang otoridad ang mga private HMO companies na magdeklara na “full capacity” na ang isang ospital.
Sa ngayon, batay sa datos, nasa low risk o 30.2 percent lamang ang utilization rate ng COVID-19 dedicated bed sa mga ospital sa buong bansa.
Hinimok ng DOH ang mga HMO companies na maging responsable sa pag-iisyu ng abiso para maiwasan ang kalituhan at pangamba ng publiko. (DDC)