Ipinakakalat na larawan ng P500 na may mukha ni dating Pangulong Marcos, peke ayon sa BSP
Walang inilalabas na bagong banknote design ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Pahayag ito ng BSP kasunod ng pagpapakalat sa social media ng larawan ng 500-peso bill na mayroong ukha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa nasabing kumakalat na larawan, nakasaad na “naglunsad ang Bangko Sentral ng P500 Marcos commemorative banknote”.
Sinabi ng BSP na walang ganitong disenyo ng banknote na inilabas sa sirkulasyon.
Hinikayat ng BSP ang publiko na i-report sa pulis o kaya sa BSP kung may mga pekeng banknotes na ipinakakalat.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10951, ang mga namemeke ng Philippine currency ay maaring mapatawan ng hindi bababa sa 12-taon na pagkakabilanggo at multa na 2 million pesos. (DDC)