Mahigit 2 million doses ng Sputnik V vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang suplay ng mga bakuna kontra COVID-19.
Gabi ng Lunes, Nov. 8 nang dumating ang mahigit dalawang milyong Sputnik V COVID-19 vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong dating na bakuna.
Nagpasalamat ang pangulo sa pamahalaan ng Russia sa patuloy na suporta sa COVID-19 response ng Pilipinas.
Ang kabuuang 2,805,000 doses na dagdag na mga bakuna ay magbibigay daan upang makamit ng bansa ang target na mabakunahan ang 70% ng populasyon laban sa COVID-19. (DDC)