Amihan muling umiral sa ilang bahagi ng Luzon
Matapos ang ilang araw na mainit na panahon dahil sa Easterlies ay muling umiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, umiiral din ang Tail-end of Frontal System sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong Martes, Nov. 9 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, at sa Quezon.
Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Habang bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa MIMAROPA at Western Visayas dahil sa pinagsamang epekto ng Amihan at localized thunderstorms.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, iiral ang Amihan na magdudulot lamang ng mahihinang pag-ulan. (DDC)