Kasunduan para sa pagpapatupad ng fuel subsidy sa mga tsuper inaprubahan na ng DOTr

Kasunduan para sa pagpapatupad ng fuel subsidy sa mga tsuper inaprubahan na ng DOTr

Nilagdaan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang kasunduan para sa pagpapatupad ng fuel subsidy program sa mga tsuper.

Ayon kay Tuugade, ito ay bi;ang paghahanda sa nakatakdang pagpapabas ng P1 Billion na pondo para sa fuel subsidy program.

Nilagdaan ni Tugade ang tripartite Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng Landbank of the Philippines.

Sa nasabing kasunduan, ilalatag na ang framework at documentation para sa agarang pagpapatupad ng subsidiya sa sandaling maipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.

Ang P1 billion na budget para sa fuel subsidy ay hahatiin sa 136,230 na kwalipikadong at bona fide jeepney drivers sa buong bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *