LOOK: Halos 200 ibon na ilegal na hinuli sa Bulacan, nailigtas ng mga otoridad

LOOK: Halos 200 ibon na ilegal na hinuli sa Bulacan, nailigtas ng mga otoridad

Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Community Environment and Natural Resources office (CENRO) sa Baliuag, Bulacan ang isang palengke doon na na nagbebenta ng mga ibon na ilegal na hinuli sa Candaba swamp sa Pampanga.

Ayon kay Paquito Moreno Jr., executive director ng DENR sa Central Luzon, nadatnan ng CENRO- Baliuag ang isang lalaki na nagbebenta ng 129 Common moorhen o “Uwis” at 60 Buff-barred rail o “Tikling” sa Pagala local market.

TInatayang aabot sa P18,000 ang halaga ng mga 189 na mga ibon na nakumpiska.

Agad tumakas ang suspek nang makita ang mga tauhan ng DENR na papalapit sa kaniyang pwpesto.

Nabatid ni Moreno na ibinebenta ang mga ipon ng P100 kada tatlong piraso.

Ayon kay Moreno, ang pagkulekta, pag-hunt, pagproseso at pagbenta ng wildlife ay bawal sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Apela ng DENR sa publiko, agad magsumbong sa ahensya kapag may namamataan na nagbebenta ng ganitong hayop.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang DENR-CENRO at ang Philippine National Police (PNP) para mahanap ang mga hunter at illegal wildlife traders.

Ang 189 na ibon na nailigtas at agad pinakawalan sa rice field sa boundary ng Baliuag at Candaba.

Ang 32,000-hectare Candaba swamp ay mahalagang wetland area sa bansa dahil umaabot sa 7,000 migratory bird kada taon ang nagtutungo dito galing Siberia, Japan, China at New Zealand para pansamantalang magkanlong at makaiwas sa labis na lamig sa nasabing mga bansa.

Ang Candaba swamp ang nagsisilbi nilang feeding area mula Oktubre hanggang Marso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *