San Antonio, Zambales niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Zambales.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 54 kilometers southwest ng bayan ng San Antonio alas 3:59 ng madaling araw ng Linggo, November 7.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 8 kilometers.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)