OFWs maari na muling mai-deploy sa South Korea; ban sa mga dayuhang manggagawa binawi na
Inatasan ni Labor Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration na simulan na ang pagproseso ng deployment ng mga manggagawang Pinoy sa South Korea.
Kasunod ito ng pagbawi sa umiiral na restrictions sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa nasabing bansa.
Ayon kay Bello, welcome development ang pasyang ito ng South Korea at magandang balita para sa mga OFW at kanilang pamilya.
Noong Biyernes, inanunsyo ng Ministry of Employment and Labor (MOEL) ng Korea na papayagan na ang pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa kanilang bansa sa ilalim ng kanilang entry permit system (EPS).
Sinabi ni Bello, na libu-libong EPS workers ang naghihintay ng kanilang deployment simula pa noong nakaraang taon.
Ayon sa MOEL, ang pagpasok sa South Korea ng EPS workers ay sasailalim sa pre-entry measures kabilang ang pagiging fully-vaccinated ng manggagawa, at dapat mayroong negative PCR test results, at post-entry measures gaya ng mandatory quarantine at PCR testing. (DDC)