P5.1M na halaga ng mga Ukay-Ukay nakumpiska sa Sorsogon
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Legazpi at Philippine Coast Guard (PCG) – Sorsogon ang mahigit 400 bundles ng mga Ukay-Ukay.
Nakita ang mga kargamento na lulan ng isang wing van sa Matnog Port, Sorsogon na pawang galing ng Mindanao, Avenue, Quezon City aat patungo dapat ng Davao City.
Sa isinagawang imbentaryo aabot sa 449 bundles ng Ukay-Ukay ang lulan ng van na nagkakahalaga ng 5.1 million pesos.
Ang importation o pagbiyahe sa mga used clothing o Ukay-Ukay ay labag sa R.A. 4653 o “An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags”, gayundin sa R.A. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act.” (DDC)