Mahigit 28.7 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 28.7 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 62,474,334 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 33,755,478 ang nabakunahan na ng first dose at 28,718,856 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Umabot na sa 1,119,389 ang average daily jabs sa bansa.
Sa National Capital Region, 18,213,889 na ang total doses administered.
Sa nasabing bilang, 9,526,909 ang tumanggap ng first dose at 8,686,980 ang fully-vaccinated na. (DDC)