LOOK: Hawk-owl natagpuan sa Caloocan City

LOOK: Hawk-owl natagpuan sa Caloocan City

Isang hawk-owl ang natagpuan ng isang residente sa North Caloocan City.

Ayon sa DENR National Capital Region, isang concerned netizen ang humingi ng tulong sa kanila matapos bumagsak ang nasabing ibon sa bubungan ng kanilang bahay.

Nagtamo ng sugat ang ibon sa lakas ng pagkakabagsak.

Agad namang nagpadala ng animal retrieval team ang DENR-National Capital Region sa lugar para i-rescue ang kwago.

Dinala na ang ibon sa Wildlife Rescue Center at the Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City para doon pansamantalang alagaan.

Ang Luzon hawk-owl ay species complex ng mga kwago.

Mayroong pitong species at isang subspecies ang mga kwago at lahat sila ay endemic sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Updated National List of Threatened Fauna and their Categories ng DENR, ang hawk-owl ay itinala bilang Endangered o Vulnerable. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *