Ipinatupad na mahigpit na quarantine measure at nagdaang mga bagyo, dahilan ng pagtaas ng unemployment rate ayon sa DOLE
Itinuturing ng Department of Labor and Employment (DOLE) na temporary setback ang resulta ng September 2021 Labor Force Survey.
Sa nasabing survey ay nabawasan ng 642,000 ang bilang ng mga may trabahong Pinoy mula sa 44.234 milion noong August 2021 patungo sa 43.592 million noong September 2021.
Ang numero ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay bunsod ng mas mahigpit pang quarantine rules noong September.
Nabawasan din ang aktibidad sa agrikultura dahil sa mga nagdaang bagyo.
Sinabi ni Bello na umaasa ang DOLEng mas magandang labor market sa mga susunod na buwan bunsod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Mas ligtas na ksi na makapagbukas ang mas maraming negosyo at nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho. (DDC)