40 million na bakuna hindi magamit dahil sa transportation backlogs ayon kay Sen. Imee Marcos
Aminado si Senador Imee Marcos na ikinagulat niya ang impormasyon na milyonng Anti-COVID vaccine pa ang hindi naibibigay sa tao na hindi dapat isisi sa local government units.
Sinabi ni Marcos na tama ang pangulo na dapat parusahan ang mga LGU na mabagal sa vaccination rollout subalit dapat busisiin itong mabuti.
Sinabi ni Marcos na may 40 million doses ng bakuna ang hindi pa nagagamit dahil sa logistical logjams ng Department of Health, Bureau of Customs o sa iba pang distribution at storage chains.
Subalit ang pinakamabigat na dahilan anya ng delay sa pagbabakuna ay ang pag-aalinlangan ng marami sa kaligtasan ng bakuna.
Sa datos, 25% na ng 111 million Filipinos ang fully vaccinated na.
Samantala, iginiit ni Marcos na dapat na ring simulan ang registration para sa booster shots habang hinihintay pa rin ang approval ng World Health Organization. (Dang Garcia)