Isla ng Polillo kabilang sa mga eskwelahan na lalahok sa pilot implementation ng face to face classes

Isla ng Polillo kabilang sa mga eskwelahan na lalahok sa pilot implementation ng face to face classes

Kabilang ang eskwelahan sa Isla ng Polillo na lalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes simula Nobyembre 15.

Inihanda na ng Tamulaya Elementary School sa Bayan ng Polillo para sa gagawing pilot implementation kasabay nito ininspeksyon nina DepEd Undersecretary Nepomuceno A. Malaluan at Planning Service Director Roger Masapol kasama ang mga opisyal ng DepEd CALABARZON.

Kabilang din si Mayor Cristina Bosque ng Polillo na nag-ikot sa mga eskwelahan para maihanda ng Lokal na Pamahalaan ang kanilang lugar sa naturang pilot implementation.

Siniguro naman ng mga opisyal na masusunod ang mga itinakdang safety protocols katulad ng social distancing at pagkakaroon ng sanitation at wash areas para sa mga mag-aaral at guro.

Ayon sa DepEd, sa kabuuan umano ay mayroong 49 learners ang sasali sa pilot limited face-to-face classes na salitang papasok sa eskwela alinsunod sa nararapat na bilang kada class schedule.

Dagdag pa nito na fully vaccinated na rin ang lahat ng mga guro ng Tamulaya Elementary School. (Jay-Ar Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *