Metro Manila sasailalim sa mas maluwag na Alert Level 2 simula ngayong araw

Metro Manila sasailalim sa mas maluwag na Alert Level 2 simula ngayong araw

Simula ngayong araw ng Biyernes, Nov. 5, iiral na ang mas maluwag na Alert Level 2 sa Metro Manila, kasunod ng pagbaba ng COVID-19 cases.

Inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang rekomendasyon na isailalim ang National Capital Region sa Alert Level 2 simula Nov. 5 hanggang Nov. 21.

Ito ay mula sa Alert Level 3 na unang ipinatupad noong Oct. 16.

Inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon na ibatay ang alert level assignments sa NCR sa datos na pinakamalapit sa implementation date.

Ibig sabihin, simula sa Disyembre, tutukuyin ang alert level assignments tuwing a-kinse at a-trenta ng buwan.

Gayunman, ang alert levels ay maaring itaas sa loob ng implementation period nito habang ang de-escalations o pagluluwag ay maari lamang gawin sa pagtatapos ng dalawang linggong assessment period. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *