LPA sa Northern Samar patuloy na magpapaulan sa Visayas at bahagi ng Luzon

LPA sa Northern Samar patuloy na magpapaulan sa Visayas at bahagi ng Luzon

Makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw sa buong Visayas at malaking bahagi ng Luzon dahil sa binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 60 kilometers east ng Catarman, Northern Samar.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Biyernes, November 5 ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Mindoro Provinces, at Palawan.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon dahil sa Northeast Monsoon.

Habang localized thunderstorms ang iiral sa buong Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *