Dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao pinatawan ng contempt ng komite sa Senado
Pinatawan ng contempt ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.
Bunsod ito ng kabiguan ni Lao na dumalo sa pagdinig ng komite hinggi sa ginagawang imbestigasyon sa mga biniling medical supplies ng pamahalaan.
Sinabi ni Senator Richard Gordon na kailangang humarap sa pagdinig ni Lao dahil marami siyang kailangang ipaliwanag.
“We are now issuing an order to cite Lloyd Christopher Lao in contempt for today’s failure to appear in our hearing. He is still needed here because he’s got a lot to explain,” ani Gordon.
Sinabi ni Gordon na hindi na bahagi ng gabinete si Lao kaya hindi na ito sakop ng inilabas na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng executive department na humarap sa Senate hearing.
Partikular na nais alamin ng komite kay Lao ang paglilipat ng P42 billion COVID-19 funds mula sa Department of Health papunta sa Department of Budget and Management Procurement Service. (DDC)