Columbarium sa Novaliches, QC sisimulan nang itayo
Nakatakda nang umpisahan ang pagtatayo ng columbarium sa Brgy. Baesa sa Novaliches, Quezon City.
Dinaluhan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Vice Mayor Gian Sotto ang isinagawang groundbreaking ceremony sa Baesa Columbarium.
Libre ang serbisyo sa itatayong columbarium at magkakaroon din ito ng chapel at parke.
May lawak na 1.2 ektarya ang lupain na gagamitin para sa itatayong columbarium. (DDC)