Sen. Drilon nanindigang hindi siya corrupt na opisyal

Sen. Drilon nanindigang hindi siya corrupt na opisyal

Nanindigan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi siya tiwali katulad ng ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pinakahuling Talk to the Nation.

Sinabi ni Drilon na simula nang pumasok siya sa public service ay tinitiyak niya ang pagsunod sa highest moral standards.

Simula anya noong 1986 nang pumasok sya sa pulitika ay palagi siyang tumutugon sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa anti-graft laws.

Mapapatunayan anya ng kanyang record na malinis ang kanyang pangalan at maging ang kanyang konsensya.

Sa kabuuan, may 32 taon na sa pulitika si Drilon kung saan ang siyam na taon ay sa executive department at 23 taon sa legislative department.

Nanindigan ang senador na sa kanyang pagreretiro sa pulitika, ang isa sa kanyang legacy na maiiwanan ay ang malinis niyang pangalan. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *