8.9% unemployment rate naitala ng PSA noong Setyembre; katumbas ng 4.25M na Filipino na walang trabaho

8.9% unemployment rate naitala ng PSA noong Setyembre; katumbas ng 4.25M na Filipino na walang trabaho

Umakyat sa 8.9 percent ang naitalang unemployment rate ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Setyembre.

Ito na ang pinakamataas na unemployment rate na naitala ng PSA para sa kasalukuyang taon na 2021.

Sa virtual press briefing, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang nasabing datos ay katumabs ng 4.25 million na mga Pinoy na walang trabaho.

Mas mataas pa ito sa 8.1 percent o 3.88 million na jobless Filipinos na naitala noong Agosto kung kailan muling pinairal ang Enhanced Community Quarantine

Samantala, ang naitala namang underemployment rate ay bumaba sa 14.2% o katumbas ng 6.18 million Filipinos noong Setyembre kumpara sa 14.7% o 6.48 million Filipinos noong Agosto.

Kabuuang 43.59 million Filipinos na Pinoy ang mayroong trabaho noong Setyembre o 91.1 percent na employment rate. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *