LOOK: Passenger capacity sa MRT-3 itinaas na sa 70 percent

LOOK: Passenger capacity sa MRT-3 itinaas na sa 70 percent

Sinimulan na ngayong araw, November 4 ang pagtataas ng passenger capacity ng mga tren ng MRT-3.

Pinapayagan na ang 70%, na capacity ng mga pasahero sa MRT-4 kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa buong linya.

Katumbas ng 70% passenger capacity ang 276 na pasahero kada bagon o 827 pasahero kada train set.

Ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay bilang tugon ng Department of Transportation (DOTr) sa pagtaas ng demand ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon sa patuloy na pagbubukas ng mas maraming establisyimento sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Batay sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), gagawing gradual ang pagtaas ng kapasidad ng mga pampublikong transportasyon mula 70% hanggang full capacity.

Isasailalim ito sa isang buwan na pilot implementation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *