Connectivity Load Program para sa mga guro tuloy ayon sa DepEd

Connectivity Load Program para sa mga guro tuloy ayon sa DepEd

Patuloy sa pagbibigay ng connectivity assistance ang Department of Education (DepEd) sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa pahayag sinabi ng DepEd na sa ilalim ng DepEd Sim Card and Connectivity Load Program, ang pawat guro ay binigyan ng Sim card na mayroong 34GB connectivity load kada buwan.

Ayon sa DepEd base sa analytics consumption tests na kanilang ginawa, sapat na ang 1GB kada araw sa loob ng 30-araw para sa e-learning.

Kaya na din nitong suportahan ang walong oras na video conferencing.

Samantala, hiniling na din ng DepEd sa Commission on Audit (COA) at sa Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad na mapagkalooban sla ng internet allowance para maibigay sa mga guro.

Mangangailangan ito ng dagdag na P18 billion na pondo.

Sa kasalukuyang budget ng depEd ay walang legal basis at pondo para sa nasabing connectivity allowance.

Tiniyak ng DepEd na patuloy ang gagawing pakikipag-ugnayan sa mga ahensya hinggil sa nasabing kahilingan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *