Manila Bay Dolomite Beach mananatiling sarado sa publiko
Hindi na muna bubuksan sa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Department Environment and Natural Resources (DENR) tatapusin muna ng pamahalaan ang rehabilitation projects sa Manila Bay
Target ng DENR na matapos ng buo ang rehabilitasyon bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ngayong linggong ito inaasahang sisimulan ang Phase 2 ng Manila Dolomite Beach project.
Magugunitang isinara ang Dolomite Beach area sa publiko simula noong October 29.
Patuloy din ang imbestigasyon ng Manila Bay Task Force (MBTF) sa nangyari noong October 24 sa Dolomite Beach are akung saan umabot sa 121,744 na katao ang naitalang dumagsa sa lugar. (DDC)