Curfew hindi na ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 4

Curfew hindi na ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 4

Simula bukas, November 4 ay hindi na magpapatupad ng curfew sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nagkasundo ang mga Metro Mayors na bawiin na ang pag-iral ng curfew sa buong NCR.

Ayon sa resolusyon ng Metro Manila Council, inaasahan kasing marami ang magtutungo sa mga mall para mamili ngayong Holiday Season.

Para mabigyan sila ng sapat na oras upang makabiyahe at makauwi ay hindi na magpapatupad ng curfew.

Maari namang patuloy na ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang mga ordinansa nila sa curfew sa mga menor de edad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *