Operasyon ng mga mall sa Metro Manila pahahabain ngayong Holiday season
Bilang pagbibigay-daan sa Holiday season, papayagan ang mas mahabang operasyon ng mga mall ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ayon kay MMDA chairman Benjamin Abalos, sa pulong ng MMDA sa mga mall operators sa National Capital Region (NCR), napagpasyahan na payagan ang 11AM to 11PM na operasyon ng mga mall mula Lunes hanggang Biyernes.
Habang 10AM naman ang bukas ng mga mall kapag holidays at kapag Sabado at Linggo.
Target itong ipatupad simula sa November 15, 2021 hanggang saJanuary 3, 2022.
Papayagan naman ang pagkakaroon ng Mall sales tuwing weekends at kapag holidays.
Ang pagde-deliver ng supplies at goods sa mga mall ay maari lamang gawin mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Ang mga groceries, restaurants, pharmacies, coffee shops, at bangko na nasa loob ng mga mall ay pwedeng magbukas ng mas maaga sa alas 11:00 ng umaga. (DDC)