Edad 5 hanggang 11 sa US sisimulan nang bakunahan kontra COVID-19
Maari nang magsimula ang pamahalaan ng Estados Unidos ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang eadad 5 hanggang 11.
Ito ay makaraang aprubahan ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine base sa pag-endorse ng Centers for Disease Control and Prevention.
Inaasahang aabot sa 28 million na mga bata sa US ang mababakunahan kontra COVID-19.
Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nauna nang nakabili ng mga bakuna para sa mga edad 5 hanggang 11. (DDC)