Kontrata ng Comelec at ng campaign donor ni PRRD, dapat busisiin – Sen. Hontiveros

Kontrata ng Comelec at ng campaign donor ni PRRD, dapat busisiin – Sen. Hontiveros

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na dapat mabubusising mabuti ang P536 milyong kontrata ng Commission on Elections sa F2 Logistics deal para sa transportasyon ng mga balota, vote-countingn machines at iba pang supplies para sa May 9, 2022 elections.

Ang F2 Logistics Philippines Inc ay isang cargo forwarder na iniuugnay sa campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy.

Sinabi ni Hontiveros na kapuna-puna na simula nang mag-donate si Uy sa kampanya ni Pangulong Duterte ay naging malawak na ang mga negosyong hawak nito sa loob ng anim na taon.

Nais matukoy ni Hontiveros kung wala nga bang conflict of interest sa pagpayag ng poll body na ang kumpanya ni Uy ang humawak sa logistics para sa 2022 elections.

Idinagdag ng senadora na dapat ding matiyak na hindi nito maiimpluwensyahan ang resulta ng halalan bukod sa dapat ay maging malinaw ang proteksyon sa electoral process mula sa posibleng foreign influence dahil may kaugnaya din si Uy sa China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *