Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA; magpapaulan sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon at Mindanao

Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA; magpapaulan sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon at Mindanao

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (LPA).

Ang LPA ay huling namataan sa layong 70 kilometers West ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Habang ang isa pang LPA ay huling namataan sa layong 1,095 kilometers East ng Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Miyerkules, November 3 makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Masbate, Palawan, Zamboanga del Norte, at Misamis Occidental.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *