IATF wala pang pinal na desisyon kung ihihinto na ang pagpapagamit ng face shield

IATF wala pang pinal na desisyon kung ihihinto na ang pagpapagamit ng face shield

Tinatalakay na ng Inter Agency Task Force ang posibilidad na ipahinto na ang pagpapagamit ng face shield.

Kinumpirma ito ni presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual press briefing.

Ayon kay Roque, dahil bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, pinag-uusapan na sa IATF kung ipapagpatuloy pa ba ang pagpapasupt ng face shield.

Marami aniya sa mga miyembro ng IATF ang nagsasabi na ihinto na ang pagsusuot ng face shield.

Gayunman, wala pang pinal na pasya hinggil dito ang task force.

Dahil dito, payo ni Roque sa publiko patuloy na tumalima sa pagsusuot ng face shield. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *