Kumakalat na impormasyon tungkol sa No Contact Policy, “fake news” ayon sa MMDA

Kumakalat na impormasyon tungkol sa No Contact Policy, “fake news” ayon sa MMDA

Fake news ang mga impormasyon na ipinakakalat sa social media tungkol sa No Contact Policy.

Batay sa nasabing impormasyon na ipinakakalat sa social media, simula sa November 15 ay ipatutupad na ng MMDA ang No Contact Policy at wala nang traffic enforcer ng ahensya ang papara sa mga motoristang may paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa pahayag ng MMDA ang nasabing impormasyon ay peke at hindi nanggaling sa ahensya.

Paliwanag ng MMDA, ang No Contact Apprehension Policy sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila ay hindi na bagong polisiya at matagal nang ipinatutupad.

Ang mga MMDA traffic enforcers ay patuloy pa din na maninita ng mga violators sa kalsada.

Paalala ng MMDA sa publiko, huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe.

Kung mayroong mga katanungan, maaari ng tumawag sa Metrobase Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA Facebook at Twitter account. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *