DOH nakapagtala lamang ng mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Nov. 1 ay 2,790,375 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 3,117 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,703,914 ang gumaling o katumbas ng 96.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,124 na gumaling.
43,276 naman ang active cases o katumbas ng 1.55 percent.
Nasa 43,276 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.55 percent makaraang makapagtala ng 104 pang pumanaw. (DDC)