Coast Guard nakapagtala ng halos 10,000 mga pasahero na bumiyahe sa mga pantalan
Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan ngayong panahon ng Undas.
Ayon sa Coast Guard, umaga ng Lunes, November 1 ay umabot sa 5,607 outbound passengers at 4,151 inbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mayroong 2,177 na PCG personnel na naka-deploy sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Umabot sa 94 na barko at 119 na motorbancas ang kanilang naisailalim sa inspeksyon. (DDC)