DOH nakapagtala lamang ng mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Oct. 31 ay 2,787,276 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 3,410 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,698,871 ang gumaling o katumbas ng 96.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,825 na gumaling.
45,233 naman ang active cases o katumbas ng 1.6 percent.
Nasa 43,172 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.55 percent makaraang makapagtala ng 128 pang pumanaw. (DDC)