Coast Guard nakapagtala ng libu-libong mga pasahero na bumiyahe sa mga pantalan
Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan ngayong panahon ng Undas.
Ayon sa Coast Guard, araw ng Linggo, October 31 ay umabot sa 18,598 outbound passengers at 16,419 inbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mayroong 2,296 na PCG personnel na naka-deploy sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Umabot sa 295 na barko at 381 na motorbancas ang kanilang naisailalim sa inspeksyon.