P800K halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng BOC sa Tondo

P800K halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng BOC sa Tondo

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled na pulang sibuyas sa operasyon nito sa Tondo, Maynila.

Sa bisa ng Letters of Authority (LOA) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, sinalakay ng ahensya katuwang ang mga tauhan g National Bureau of Investigation-IPRD ang mga warehouse sa Carmen Planas Street.

Doon nadiskubre ang mga smuggled na sibuyas na aabot sa P800,000 ang halaga.

Natuklasan na walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSIC) at walang importation documents ang mga sibuyas.

Nagpalabas ang Customs ng warrant of seizure sa mga produkto dahil sa paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845), Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *