PNP nagtaas ng heightened alert kasunod ng pagkamatay sa operasyon ni NPA leader Ka Oris
Nagtaas ng alert ang Philippine National Police kasunod ng pagkakapatay sa lider ng New People’s Army (NPA) na si George “Ka Oris” Madlos.
Inilagay ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa heightened alert ang lahat ng police units at offices para mapaghandaan ang posibleng retaliatory attacks ng NPA.
Si Ka Oris ay nasawi sa ikinasang internal security operations ng Armed Forces of the Philippines.
Siniguro naman ni Eleazar sa publiko na patuloy ang ugnayan ng PNP at AFP para masirugo ang kaligtasan ng lahat.
Ani Eleazar ang pagkamatay ni Madlos ay dapat magsilbing babala sa nalalabing mga lider at miyembro ng komunistang grupo na ang mga otoridad ay hindi hihinto sa mga operasyon laban sa CPP-NPA-NDF.