Pambatao ng Pilipinas na si Emmanuellle Vera, third runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021
Nagwagi bilang third runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021 na ginanap sa Bolivia ang pambato ng Pilipinas na si Emmanuelle Vera.
Kinumpirma ito sa Facebook post ng Miss World Philippines Organization.
“We are so proud of you! You represented our country very well. Thank you for raising the flag of the Filipinas. Mabuhay ka,” ayon sa pahayag.
Ang pambato ng Mexico na si Andrea Bazarte ang nakapag-uwi ng korona.
Unang napanalunan ng Pilipinas ang korona sa Reina Hispanoamericana noong 2017 nang magwagi si Teresita Marquez.