Public transpo sa NCR papayagan nang bumiyahe sa full capacity
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na gawing full capacity na ang mga bumibiyaheng public transportation sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Mula sa 70 percent na capacity ay gagawin nang full capacity ang mga public road-based at rail transportation simula sa November 4.
Batay ito sa IATF Resolution No. 146 ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Samantala, kasama ding inaprubahan ang inirekomenda ng NTF at Vaccination Cluster para sa Vaccination Rollout sa nalalabing Pediatric Population upang makamit ang vaccination rate na 80 percent ng target population pagsapit ng December 2021. (DDC)