DOH nakapagtala lamang ng mahigit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19; dagdag pa 3,000 pa ang gumaling
Nakapagtala lamang ng mahigit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Oct. 29 ay 2,779,943 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 4,043 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,686,692 ang gumaling o katumbas ng 96.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 3,224 na gumaling.
50,630 naman ang active cases o katumbas ng 1.8 percent.
Nasa 42,621 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.53 percent makaraang makapagtala ng 44 pang pumanaw. (DDC)