Delivery ng COVID-19 vaccines umabot na sa 100 million doses

Delivery ng COVID-19 vaccines umabot na sa 100 million doses

Naabot ng pamahalaan ang target na 100 million doses delivery ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Oktubre.

Sa datos ng National Task Force Against COVID-19 hanggang Huwebes (Oct. 28) ng gabi, umabot na sa 100,528,240 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng bansa.

Ayon sa NTF, papalapit na ang Pilipinas sa target nitong maabot ang herd immunity ngayong taon.

Sa ngayon, pitong brand ng bakuna kontra COVID-19 ang ginagamit ng pamahalaan sa vaccination program.

Kabilang dito ang Sinovac at Sinopharm mula sa China; Sputnik V ng Russia; AstraZeneca ng United Kingdom; at Pfizer, Moderna, at Johnson & Johnson mula United States.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 million hanggang 70 million hanggang sa katapusan ng taon.

Bago ang May 2022 elections, target na maabot ang 80 million hanggang 90 million na mababakunahan kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *