Coast Guard inilagay sa ‘heightened alert’ ngayong panahon ng Undas
Sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-monitor sa mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan ngayong panahon ng Undas.
Ayon sa Coast Guard, hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes October 29 ay umabot sa 2,109 outbound passengers at 1,254 inbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mayroong naka-deploy na frontline personnel ang Coast Guard sa 15 PCG Districts at nakapag-inspeksyon ng 49 na mga barko.
Inilagay na rin ng Coast Guard ang lahat ng districts, stations, at sub-stations nito sa ‘heightened alert’ simula ngayong araw hanggang sa November 4 para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong dadagsa sa mga pantalan. (DDC)