Luzon at Visayas apektado na ng Amihan – PAGASA

Luzon at Visayas apektado na ng Amihan – PAGASA

Lumakas pa ang pag-iral ng Amihan o Northeast Monsoon sa bansa at ngayon ay apektado na ang buong Luzon at Visayas ayon sa PAGASA.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Biyernes, October 29, ang Bicol Region, Eastern Visayas, at Southern Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan at thunderstorms dahil sa Amihan.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at nalalabing bahagi ng Visayas.

Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa buong Mindanao.

Ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay lumakas pa at nasa Typhoon category na.

Ang Typhoon na may international name na Malou ay huling namataan sa layong 2,355 kilometers

Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 170 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong north northeast.

Hindi ito papasok sa Philippine Area of Responsibility at wala ring direktang epekto saanmang panig ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *