COVID-19 vaccination sa Antipolo binuksan para sa non-residents
Maaring magpabakuna kontra COVID-19 sa Antipolo City maging ang mga hindi residente nito.
Ayon sa pahayag ng Antipolo City LGU simula ngayong araw October 29 hanggang sa November 2 ay welcome magpabakuna ang lahat ng edad 18 pataas.
Ngayong araw ang mga hindi pa nakatatanggap ng first dose at ang mga hindi pa nakatanggap ng second dose ng ASTRAZENECA walong linggo matapos ang kanilang forst dpse ay pwedeng mag walk in sa vaccination site sa sumusunod na lugar:
1. 2nd floor, City Mall of Antipolo (CMA), Olalia Road, Brgy. dela Paz
2. 3rd floor, SM Cherry
Maari ding mag walk in para sa FIRST (1st) o SECOND (2nd) dose SINOVAC sa vaccination site sa:
1. 2nd floor, Victory Park and Shop (in front of Antipolo Cathedral)
2. 3rd floor, SM Masinag
3. 3rd floor, Ynares Events Center
Mayroon ding bakunahan ng FIRST (1st) o SECOND (2nd) dose PFIZER sa vaccination sites sa:
1. 3rd floor, iMall Antipolo
2. 2nd floor, SM Cherry
3. Ground floor, Robinsons Place Antipolo
Gayundin ang FIRST (1st) o SECOND (2nd) dose MODERNA WALK-IN – , sa vaccination site sa:
1. Waltermart Mall, Circumferential Road, Brgy. San Roque
At SECOND (2nd) dose SPUTNIK at SINOPHARM sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Brgy. San Roque, Antipolo City.
Simula naman sa November 3 ay sisimulan na ang pagbabakuna ng mga menor de edad (12 – 17 years old). (DDC)