Mga magre-renew ng Driver’s License kailangan nang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education

Mga magre-renew ng Driver’s License kailangan nang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education

Simula ngayong araw, ang mga magre-renew ng Driver’s License ay kailangan nang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education (CDE) para makakuha ng CDE Certificate.

Ayon sa abiso ng Land Transportation Office (LTO), alinsunod sa RA 10930 na nag-aatas sa pagpapahaba sa bisa ng lisensya ay maari nang makapag-renew ng 10-year Driver’s License ang mga walang traffic violation record.

Mananatili naman sa 5-year Driver’s License ang mga aplikante na mayroong traffic violation record.

Ayon sa LTO, lahat ng magre-renew ay kailaganng mayroong CDE Certificate.

Ang CDE materials ay maaring makuha sa LTO Portal – http://portal.lto.gov.ph sa mga LTO office at sa LTO-Accredited Driving Schools.

Libre ang pagsailalim sa CDE sa LTO-Driver’s Education Centers at sa LTO Portal.

Payo ng LTO sa mga motorista, mag-rehistro na sa LTO Portal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *