Mahigit 970,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang mahigit 970,000 doses pa ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Bahagi ito ng 2,927,340 doses ng Pfizer vaccnie na nakatakdang dumating sa bansa ngayong linggo.
Ayon kay NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr., malaking bahagi ng bagong dating na mga bakuna ay ilalaan para sa nationwide rollout ng pediatric vaccination, na sisimulan sa November 3.
Tinataya aniyang 162 na hospital at non-hospital vaccination sites sa bansa ang lalahok sa nationwide rollout ng pagbabakuna sa mga menor de edad.
Base sa datos ng NTF, 12.7 million na mga edad 12 hanggang 17 ang babakunahan kontra COVID-19. (DDC)